Karla Estrada, nagbukas ng steakhouse sa food park

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2017 12:58 PM

MANILA -- Gaya ng anak na si Daniel Padilla, negosyante na rin ang ina niyang si Karla Estrada.

At tulad ni Daniel na isa sa mga may-ari ng bagong bukas na District 8 gastropub sa Greenhills, food business din ang binuksan ni Karla.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Karla na siya ang may-ari ng Rustic Box Steakhouse na isa sa mga food stall ng Yarda Food Hub sa Kingpoints Subdivision sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Karla, sa tulong ng kanyang mga kapatid ay itinayo niya ang bagong negosyo na isang franchise.

"Pang-siyam kami ngayon," ani Karla.

Magandang Buhay, Agosto 23, 2017