ALAMIN: Mga pangontra sa malas ngayong 'ghost month'

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2017 07:47 PM

Negatibong enerhiya, mga sakit, at kamalasan ang pinaniniwalaang ikakalat ng 'hungry ghost' ngayong tinaguriang 'ghost month' na nagsimula ngayong araw ng Agosto 22. 

Upang makontra ang malas sa buwang ito, nagbigay ng ilang suwerte tips si Feng Shui Master Hanz Chua.

Rock salt o asin sa bulsa
Ilagay ang asin sa pulang tela at ilagay sa bulsa o sa pouch bilang pangontra sa malas.

Bawang 
Maliban sa asin, maaari namang bawang ang ilagay sa pulang telang ibubulsa dahil takot dito ang mga espiritu. 

Luya 
Takot din sa luya ang mga negatibong espiritu. Talian lang ang luya ng pulang laso o sinulid, at maaari na itong ilagay sa bulsa o sa bag.

Pagsusuot ng pulang damit 
Ang pagsusuot ng pulang damit o pagdadala ng matitingkad na gamit
gaya ng bag at panyo ay epektibo ring pantaboy ng malas, ayon kay Master Hanz.

Mga dapat iwasan
Dagdag din ni Master Hanz, iwasang magsimula ng negosyo at magpakasal tuwing buwan ng Agosto.

-- Umagang Kay Ganda, 21 Agosto 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.