Mga gustong maging guro, sinasanay ng isang organisasyon

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2017 03:27 PM | Updated as of Aug 20 2017 09:28 PM

Layunin ng non-government organization na "Teach for the Philippines" (TFP) na magsanay ng mga indibidwal na may potensiyal na maging guro, anuman ang tinapos nilang kurso noong kolehiyo.

Kabilang sa mga naengganyong makibahagi sa organisasyon sina Ana Dominique Santos at Sunshine Evangelista. 

Graduate ng kursong Philosophy si Santos na sinabing nahikayat siyang magturo at paunlarin ang edukasyon sa bansa.

Kuwento nina Santos at Evangelista, nahirapan sila sa umpisa sa piniling karera ng pagtuturo.

Pero hindi sila nagpatinag hanggang sa nakamit nilang ang pangarap na maging guro.

Ayon sa TFP, bahagi sila ng global network na "Teach for All". Nakikipag-ugnayan din sila sa Department of Education para malaman kung saan-saang lugar nangangailangan ng mga guro.

Bukod sa assessment at interview, nagkakaroon din ng immersion o ipinapakilala at hinahayaang makisalamuha ang guro sa komunidad na kaniyang pagtuturuan.

Kasalukuyang 95 teacher fellows ng tFP ang nagtuturo ngayon sa 39 public schools sa buong Pilipinas. Nakapagtapos naman ng two-year fellowship sa TFP ang 123 guro.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.