2 Pinay sa London, pasok sa '100 Most Influential Filipinas in the World'

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2017 03:07 AM

Napabilang sa "100 most influential Filipinas in the World" si Rowena Romulo, may-ari ng Romulo Café London.

Sinimulan niya ang Romulo Café sa London noong Marso 2016 matapos niyang bitiwan ang 30 taong karera sa financial services industry.

Kinilala si Romulo sa "Builder Award" category.

Bukod kay Romulo, kinilala rin si London Councilor Cynthia Barker na gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Pilipinang nahalal bilang "town and borough councilor" sa United Kingdom.

Kinilala si Barker sa "Policymaker and Visionary Award" category.

Gaganapin ang awards ceremony sa Filipina Women’s Network Leadership Global Summit sa Toronto, Canada sa Oktubre. --Ulat ni Rose Eclarinal, ABS-CBN News
 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.