Paano malalaman kung seryoso ang manliligaw?

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2017 03:19 PM

Dahil sa teknolohiya, nagbago na rin ang pamamaraan ng panliligaw ngayon, kumpara noon.

Ayon sa professional family counselor na si Pastor Herald Cruz, hindi na uso ngayon ang dati-rati'y ginagawa ng mga umaakyat ng ligaw tulad ng pagsisibak ng kahoy at pag-iigib ng tubig sa bahay ng babaeng napupusuan.

Gayumpaman, hindi nagbabago ang intensiyon na makuha ang loob ng isang taong napupusuan.

Sa programang "Sakto" ng DZMM, ibinahagi ng Cruz ang iba't ibang klase ng manliligaw na maaaring hindi sinsero:

  • Pa-cute (kapag sila ay nagpapa-cute, feeling nila sila ay gwapo o bahagi agad ng buhay ng isang tao)
  • Pasakay (gusto lang mahulog ang loob ng babae pero hindi pa kayang mag-commit)
  • Player (kahit saan man pumunta, game sa lahat ng nagkakagusto sa kanya)

Payo ni Cruz sa mga kababaihan: hanapin ang kaparehang pangmatagalan.

Ibinahagi rin niya ang kaniyang kahulugan sa pag-ibig, "Love is a four-letter word spelled 'TIME'."

"Makikita mo sa tao kung seryoso ang tao through time kasi the first few days, first few weeks talagang 'best foot forward'. Pero makikita mo seryoso ang tao sa panahong pangmatagalan. Talagang gusto kang makilala, interes mo at hindi lamang ito patungkol sa kanya," ani Cruz.

Dagdag pa ni Cruz, dapat balansehin ang puso at isip.

Aniya, maigi ring ayusin muna ang sarili bago pumasok sa isang relasyon.

"Do not look for the right person but be the right person first, then the right person will come," ani Cruz.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.