Lady senators nag-selfie; Sen. Nancy agaw-eksena sa bagong hairdo

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2017 03:38 PM | Updated as of Jul 24 2017 04:37 PM

 

MANILA - Handa na para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga babaeng mambabatas ng Senado, Lunes. 

Sa mga larawang kuha ni Cesar Tomambo, makikita sina Senador Risa Hontiveros, Cynthia Villar, Grace Poe, Loren Legarda at Nancy Binay na nakapostura para sa SONA. 

Wala sa pagtitipon si Senador Leila de Lima na nakapiit sa Camp Crame dahil sa umano'y koneksyon sa kalakaran ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison. 

Joseph Vidal, Senate PRIB
Joseph Vidal, Senate PRIB

Kapansin-pansin naman ang bago at mas maiksing ayos ng buhok ni Binay. 

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang mga kasuotan ng mambabatas sa mga nakalipas na SONA. 

Noong 2014, nagsuot si Binay ng likha ni Randy Ortiz na pambabaeng barong at bubble hem dress, pero kalauna'y nagpalit ng puting terno. 

Nitong nakaraang taon, dumalo ng SONA ang senadora, suot ang isang itim na fahion-forward na Filipiniana

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.