Miss Philippines Earth winner, nakipag-jam kay Kaye Cal

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2017 01:18 PM | Updated as of Jul 20 2017 01:34 PM

MANILA -- Nagpakita ng kanyang talento sa pag-awit si Miss Philippines Earth winner Karen Ibasco sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes.

Sinamahan ni Ibasco at iba pang Miss Philippines Earth winners si Kaye Cal sa pag-awit ng "Why Can't It Be." 

Bumisita si Kaye Cal sa "UKG" para anyayahan ang mga manonood para sa kanyang concert sa darating na Agosto 18 na gaganapin sa Music Museum.
 
Umagang Kay Ganda, Hulyo 20, 2017