TINGNAN: Treat ng dekano: beach getaway, P5000 pocket money para sa mga bagong abogado

Teksto ni Abigail Reduble

Posted at Jul 09 2017 08:43 PM

Bakasyon grande ang treat ng isang dekano sa kaniyang mga estudyanteng pumasa sa 2016 Bar Exams.

All-expense-paid trip sa Boracay ang blowout ni Dean Nilo Divina sa mga bagong abogado mula sa Faculty of Civil Law ng University of Santo Tomas (UST).

Photos by Rafael Lorenz Santos

“Dean Nilo Divina shouldered the airfare and the accommodation expenses" ani Rafael Santos, isa sa mga bagong abogado ng UST.

Maliban sa Boracay trip, binigyan din ang bawat estudyante ng P5,000 pocket money at personalized na mamahaling ballpen bilang regalo.

Kuwento nina Santos at isa pang bar passer na si Jesselie Suñga, ipinangako ng kanilang dekano bilang incentive ang bakasyon kapag 100% ang passing rate ng mga kumuha ng Bar Exams mula sa UST.

"[Passing rate of 100%] or if one of us lands on the number 1 spot, or if there are 2 or more Thomasians in the Top 10 list," dagdag ni Suñga tungkol sa 'incentive'.

Nakakuha ng 96.25% passing rate ang UST sa 2016 Bar Exams. 

Hindi man ito ang passing rate na target ni Divina para sa kaniyang kolehiyo, maituturing pa rin namang isa iyon sa pinakamataas na passing rate ng UST sa Bar Exams sa nakalipas na tatlong dekada. 

"I decided to push through because of the strong clamor of the UST bar passers who moved that their passing rate be deemed as substantial compliance with the condition for the Boracay trip", ani Divina.

Galing din sa sariling bulsa ng dekano ang ipinang-treat sa mga bagong abogado mula sa kaniyang Unibersidad.
 
"A prized money awaited a bar topnotcher," ani Divina tungkol sa pocket money at regalong ballpen. "Since no one made it to the top 10, the money was distributed to all those present during the testimonial dinner."

Bukod sa mga pumasa sa bar exam, kasama rin sa Boracay ang ilang student council officer. 

“Kasama ang student council because we received the St. Dominic de Guzman Award from the University," sabi ni Jonathan Santos, incoming president ng Faculty of Civil Law Student Council.

Anim sa siyam na opisyal mula sa Faculty of Civil Law ang nakasama rin sa Boracay trip.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.