Libreng training sa paggawa ng damit, alahas, handog sa mga Pinoy sa London

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2017 07:19 PM

Libre ang training sa pananahi na handog ng POLO-OWWA sa mga Pinoy sa London.

May libreng training ang Philippine Embassy para sa mga Pinoy sa London kung saan itinuturo ang paggawa ng damit, alahas, at iba pang puwedeng pagkakitaan. 

Proud na ibinida ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nakabase sa London ang mga damit na sila mismo ang tumahi.

Sinasanay ang mga Pinoy sa London na manahi ng mga damit na puwede nilang pagkunan ng dagdag kita.

Malayo ang pagtatahi sa karaniwang trabaho nila sa London. Karamihan sa kanila, namamasukang kasambahay roon.
 
Pero dahil sa skills training ng Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA), nagkakaroon ng dagdag kaalaman ang mga OFW na puwede nilang pagkakitaan.

Naka-display ang fashion accessories na gawa ng ilang OFW sa London.


Libreng Skills Training para sa mga Pinoy sa London:
1. Dumpling - Making
2. Women's Accessories Making (Basic and Advanced)
3. Sewing and Dress-making
4. Health and Wellness, Gender and Disability Sensitivity
5. Fruit, Vegetable and Soap Decorative Carving
6. Basic Computer
7. Photography
8. Baking

Naka-display ang fashion accessories na gawa ng ilang OFW sa London.

Weekends lang ang mga klase para tugma sa day-off ng mga OFW.

Ayon sa Labor attaché ng POLO-London, bahagi ang training ng reintegration program sa mga OFW para kung sakaling umuwi na sila sa Pilipinas, may alam silang iba pang puwedeng pagkakitaan.

Bukod sa mga OFW, bukas din ang skills training maging sa dual citizens pati na sa undocumented Pinoys sa London.

Tinuturuan ang mga Pinoy sa London kung paano gumawa ng fashion accessories.

Nitong Hunyo lang, 129 OFWs ang nagtapos sa skills training program. 

Para sa mga interesado, puwedeng makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa London.

-- Ulat ni Rose Eclarinal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.