TINGNAN: Parada ng Lechon, basaan, ginanap sa Batangas sa pista ni San Juan

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2017 04:33 PM | Updated as of Jun 24 2017 08:10 PM

Mga lechon, ipinarada sa Balayan, habang sumali sa tradisyon ng basaan ang mga taumbayan.

Mariz Laksamana, ABS-CBN News

BALAYAN, Batangas – Ipinarada dito Sabado ng umaga ang ilang mga lechon, at sumali ang taumbayan sa tradisyon ng basaan bilang bahagi ng pagdiriwang ng pista ni San Juan.

Ayon sa pamahalaan ng Balayan, ang parada ay nagsimula sa tradisyon ng mga residente noong panahon ng mga Kastila na magdala sa sentro ng lechon tuwing pista ni San Juan Bautista, bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap noong nakaraang taon. 

Nang tumagal ay dumami na ang sumasumali sa parada, hangga’t naging isang malaking pagdiriwang na ito na dinadayo hindi lang ng mga taga-Balayan, kundi ng mga karatig-bayan at mga turista. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.