SNEAK PEEK: Nyoy, nagbihis babae para sa 'Kinky Boots'

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2017 02:50 PM

Nagbihis babae si Nyoy Volante sa performance niya para sa "It's Showtime" nitong Huwebes.

Si Nyoy na isa sa mga hurado ng "Tawag ng Tanghalan," ang bibida sa musical na "Kinky Boots" kung saan gagampanan niya ang karakter na si Lola na isang drag queen.

Sa "It's Showtime," sinorpresa ni Nyoy ang mga manonood bilang Lola at inawit ang "Land of Lola."

Magsisimulang ipalabas ang "Kinky Boots" sa Hunyo 30 sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza sa Makati City.

It's Showtime, Hunyo 22, 2017