RECIPE: Homemade Siomai

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 05:54 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gusto mo ba ng putahe na hindi lang masarap na merienda, kundi suwak din pang-ulam sa kanin?

Subukan mo ang maghain ng homemade siomai. 

Bumisita sa programang "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles ang guest kusinera na si Donna Perolina upang ituro ang pagluluto ng nasabing putahe.

Ani Perolina, sa isang kilo ng giniling na baboy ay posible nang makagawa ng 70 piraso na siomai.

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

• 1 kilo ng giniling na baboy (parteng laman)
• 1/3 cup ng giniling na singkamas
• 1/3 cup ng giniling na carrot
• 1 pirasong sibuyas
• Dahon ng sibuyas
• 1 itlog
• 3 kutsara ng sesame oil
• 5 kutsara ng oyster sauce
• 1 kutsarita ng paminta
• 1 kutsarita ng asin
• 2 kutsarita ng asukal
• Siomai wrapper (maliit)
• Toyo
• Calamansi
• Chili paste

Narito ang paraan ng pagluluto:

Pagsama-samahin lahat ng sangkap.

Haluin ang mga sangkap at ibalot sa wrapper.

Ayusin nang maigi upang hindi magdikit-dikit.

I-steam ang mga binalot na siomai sa loob ng 15 hanggang 20 minuto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.