Rachel Peters botong sa Pilipinas gawin ang Miss Universe pageant

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2017 12:16 PM

MANILA – Magkasamang kaba at excitement ang nararamdaman ni Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters nang umingay ang bali-balitang dito muli gaganapin sa Pilipinas ang Miss Universe pageant ngayong Nobyembre.

Positibo lang si Rachel at sunod-sunod na ang sabak sa training.

“I’m working on myself. I think that’s probably the most important for me when I go to Miss Universe, especially since I’ve heard that it’s most likely going to be in the Philippines. I get asked a lot, am I feeling pressure? Honestly, no,” aniya.

Pabor kay Rachel kung dito sa Pilipinas siya lalaban ng Miss Universe.

“I’m actually super warming up to the idea na lahat ng mga kaibigan ko, lahat ng family ko, they are all going to be here,” sabi ni Rachel.

Ayon naman kay Miss Universe 2013 third runner-up Airella Arida, taglay ni Rachel ang total package ng isang beauty queen.

“Siguro ang kailangan namin ma-feel, 'yung determination mo na gusto mo ang crown. Kasi iba rin ang nagiging effect noon if you really want it. Kasi nandyan na so double the effort, 'yung determination at 'yung hard work talaga,” aniya.

Nais ni Rachel na makilala ng personal si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para dito direktang humingi ng tips at advice.

“Wala pa, I haven’t met her. She’s been very busy, I’ve been very busy. But hopefully, I can sit down and talk to her because that would be amazing,” sabi ni Rachel.

Nandito ngayon sa Pilipinas ang ilang kandidata ng 2016 Miss Universe kasama si Pia at Miss Universe Organization president Paula Shugart.

Hinihintay naman ang opisyal na announcement ng Department of Tourism kung Pilipinas muli ang host country ng 66th edition ng pageant.