RECIPE: Crispy lumpiang shanghai

ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 05:59 PM | Updated as of May 18 2018 10:34 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Perfect na pambaon sa pasukan ang crispy lumpiang shanghai.

Simple rin lang itong ihanda at iluto, gaya ng ipinakita sa "Umagang Kay Ganda."

Narito ang mga sangkap na kailangang ihanda:

• 1/2 kilogram (500g) ng giniling na baboy
• 6 na butil ng bawang
• 1 sibuyas na pula (medium size)
• 2 kutsara ng patis
• 2 itlog
• 2 kutsara ng cornstarch
• 3 kutsara ng harina
• 1/4 kutsarita ng pamintang durog
• 100 grams ng shredded carrots
• Mantika
• Lumpia wrapper
• 1 kutsara ng harina
• 1 kutsara ng tubig 

Paghalu-haluin ang mga sangkap sa isang bowl.

Kumuha ng 50 grams na lumpia filling at ibalot sa lumpia wrapper.

Kapag nabalot na, pahiran ng flour mixture para hindi bumuka ang lumpiang shanghai.

Iprito ang mga binalot na lumpia sa loob ng 5-8 minuto hanggang sa maging golden brown.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.