RECIPE: Pancit Cabagan

ABS-CBN News

Posted at May 16 2018 01:10 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa ang Pancit Cabagan sa mga putaheng ipinagmamalaki ng mga taga-Cabagan, Isabela.

Sa programang "Umagang Kay Ganda," itinuro ng guest kusinera mula Cabagan na si Zenaida Pascasio kung paano lutuin ang naturang dish.

Ayon kay Pascasio, ang kanilang pansit ay pino at hindi maalat kumpara sa ibang pansit.

Narito ang mga sangkap sa paggawa ng Pancit Cabagan:

• 1 kilong dried Cabagan miki
• 1.5 litrong tubig
• 1/2 liempo (hiwain nang pahaba)
• 1/4 atay ng baboy (hiwain nang pahaba)
• 10 piraso ng hard-boiled quail eggs (para sa garnish)
• 1 balot ng chicharon (para sa garnish)
• 1 malaking carrots (hiniwa nang pahaba )
• 1 repolyo (hiwain nang pahaba na pino)
• 5 cloves ng bawang
• 1 pulang sibuyas
• 200 ml ng toyo
• Mantika
• Oyster sauce
• Paminta

Igisa ang bawang, sibuyas at baboy.

Hintaying maluto ang baboy. Palutungin ito nang kaunti bago isunod ang atay.

Ilagay ang repolyo at carrots sa ginisang baboy at atay.

Hintaying maluto. Timplahan ng paminta at itabi.

Ilagay ang 1.5 litrong tubig sa kawaling ginamit panggisa. Timplahan ng toyo.

Hintaying kumulo ang tubig bago ilagay ang 1 kilong Cabagan miki.

Hintaying lumambot ang miki. Isabay ang oyster sauce.

Ilagay ang ginisang baboy at gulay sa pancit at haluin.

Ilagay sa ibabaw ang hard boiled quail eggs at dinurog na chicharon.

Hanguin at i-serve.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.