RECIPE: Sinigang na Lechon Manok

ABS-CBN News

Posted at May 16 2017 11:58 AM

Mayroon ka bang natirang lechon manok sa iyong nakaraang handaan?
Puwede iyang gawing sangkap sa Sinigang na Lechon Manok. Heto ang recipe ni Chef Yhen Aytona ng Wheatberry Baker and Cafe.

Ihanda ang mga sangkap nito na lechon manok, gabi, sigarilyas, sibuyas, kamatis, labanos, kangkong, kalamansi juice, siling haba, patis, at tubig.

Magpakulo ng tubig. Ilagay ang gabi. Ang gabi ay mayaman sa amino acids na pampaganda ng balat at buhok. Isunod ang kamatis at sibuyas, at pakuluin ito nang 3 minuto. Isunod ang labanos, sibuyas, at kalamansi juice. Mayaman naman ang kalamansi juice sa bitamina C. Takpan muli ito at pakuluan nang 3 minuto. Timplahan ng patis, at ilagay ang kangkong at siling haba. Hayaang kumulo sa loob ng 3 minuto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.