Paraiso sa Palawan, dinadayo ng mga turista

Rex Ruta, ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2017 12:57 PM

 

Rex Ruta, ABS-CBN News

 

Rex Ruta, ABS-CBN News

 

Rex Ruta, ABS-CBN News

 

Rex Ruta, ABS-CBN News

 

Rex Ruta, ABS-CBN News

 

Rex Ruta, ABS-CBN News

 

Rex Ruta, ABS-CBN News

 

Rex Ruta, ABS-CBN News

 

Rex Ruta, ABS-CBN News

BALABAC – Patok na souvenir kapag galing sa Palawan ang mga alahas na yari sa perlas. Nabibili ito sa magkakaibang presyo depende sa klase nito.

Kilala namang pinagmumulan ng mga de-kalidad na perlas ang pearl farm sa Bugsuk Island, Balabac. Sakay ng bangka, mararating ito 30 minuto mula sa Buliluyan Port sa bayan ng Bataraza.

Kaya’t kahit abutin ng paglubog ng araw habang bumibiyahe, mage-enjoy ang mga turista sa sunset viewing. 

Nandito rin ang Sitio Sebaring sa Balabac, sa timog na bahagi ng Palawan, na paboritong lugar para sa overnight kasama ang buong barkadang mahilig bumiyahe.

Magigising ang mga bisita sa isla sa hampas ng mga alon at ihip ng hangin, at habang hinahanda ang masarap na almusal ay pwede nilang abangan ang bukang liwayway. Bibida kasabay nito ang mahabang sandbar sa isla.

Pagkagising pa lang ay maaari nang sulitin ng buong pamilya at magkakaibigan ang magpa-picture sa lugar. May parte rin na napakalinaw ng tubig at may puting buhangin.

Ang entrance fee ay P25, at cottage fee ay P500—tulong lang daw ito sa caretaker ng sitio, at ilang naninirahan dito.

Sa mga naghahanap ng perfect summer getaway, isama na sa listahan ng papasyalan ang Sitio Sebaring. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.