Halo-halo sa Legazpi City, binabalik-balikan ng mga residente

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2017 06:08 PM | Updated as of Apr 20 2017 10:27 PM

LEGAZPI CITY – Minatamis na saba, sago, sweet corn, at yelo, na may ube, leche flan, gulaman, gatas, ice cream at cheese — ito ang halo-halo na binabalik-balikan dito sa Albay.

Puwedeng pumili ang costumer, depende sa kayang ubusin. Pinakamalaki ang DJC Halo-Halo Supreme, na sinusundan ng Special, at para sa mga bata, ang Midget Special.

Ang ilang dumadayo sa DJC Halo-Halo sa Legazpi City, nalalaman ito mula sa kanilang mga kamag-anak sa Bikol. Ngunit binabalik-balikan din ito ng mga Albayano.

Ngayong tag-araw mas dadagsain daw ang tindahan ng halo-halo na ito, na nasa sentro lang ng Legazpi City, ani ng mga tauhan ng DJC. P90 hangang P55 ang presyo ng halo-halo dito.

Maliban sa Legazpi City ay matitikman din ang ganitong halo-halo sa bayan ng Tiwi, kung saan ito unang nagsimula.

 

Dinayo pa nmin to... #halohalospecial #moreCheesemoreFun

A post shared by Windel Bobiles (@windelbobiles) on

 

A post shared by Cyrene Mae Sale Cosa (@chuypie) on

 

The best halo-halo that I've tasted so far.☀

A post shared by John Rae A. Mediario (@jr_mediario) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.