SILIPIN: 'White house' ni Jolina Magdangal

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2017 12:28 PM

MANILA - Excited na ipinasilip ni Jolina Magdangal at ng kanyang pamilya ang kanilang tahanan na tinatawag nilang "Casa Escueta."

Binisita nina Karla Estrada at Melai Cantiveros ang puting bahay ni Jolina kasama ang asawang si Mark Escueta at baby boy na si Pele.

"Ako ang goal ko naman kapag may in-invite akong friends... Kasi medyo ano ako, kapag nagkaroon ako ng friend ay attached ako, so gusto ko kapag in-invite ko sila feeling nila, 'ang sarap naman dito.' 'Yung gusto nilang bumalik-balik," ani Jolina.

"Pareho naming gusto 'yung ganitong theme. Parang gusto namin 'yung dating ng bahay na pag-uwi mo galing sa trabaho ay gusto mo lang talagang makaramdam ng pahinga. So imbes na lalabas kayo ay sa bahay na lang tayo kasi sobrang kumportable," ani Mark.

Pag-amin ni Jolina, si Mark ang naging hands-on sa pagpapatayo ng kanilang puting bahay.

Maliban sa "Magandang Buhay," nakatakdang gumawa ng panibagong pelikula ang aktres.