Cristine Reyes ibinahagi ang kanyang private space

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2017 02:24 PM

MANILA -- Sa pagpapatuloy ng exclusive house tour ng "Magandang Buhay" sa tahanan ni Cristine Reyes at ng kanyang pamilya, ipinakita ng aktres at ng kanyang asawang si Ali Khatibi ang kanilang entertainment room, at kwarto ng kanilang anak na si Amarah.

Naging bukas din ang mag-asawa sa pagpapatuloy sa hosts na sila Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa kanilang closet at master bedroom.

"Para sa akin, ang bahay ay charger kasi nadi-drain ako. 'Yung nature ng business natin ay nakaka-drain siya, na kapag nasa labas ka ay attentive ka sa lahat, 'di pwedeng makitaan na nakasimangot. Kapag nasa bahay, feeling ko nasa safe place ako," pagbabahagi ni Cristine.

Sa ngayon ay mapapanood si Cristine ng talent show na "I Can Do That."