SILIPIN: Home sweet home ni Cristine Reyes

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2017 11:26 AM | Updated as of Mar 29 2017 09:13 AM

MANILA -- Sa pambihirang pagkakataon, ipinasilip ni Cristine Reyes at ng kanyang pamilya ang kanilang tahanan sa "Magandang Buhay."

Nitong Martes, binisita nila Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ang tatlong palapag na tahanan ni Cristine kasama ang asawang si Ali Khatibi at anak na si Amarah.

"Dream home talaga siya at pinagtuunan namin ng oras sa lahat ng gamit, kulay ng bahay, lahat," ani Cristine sa kanyang rustic at Victorian-inspired na bahay.

Pag-amin ni Cristine, masaya siya sa kanyang bahay lalo't kumpleto sila ng kanyang pamilya.

"Hindi ko ma-describe. Homebody talaga ako. 'Yung feeling lalo na ngayon may anak at asawa ako, ano pa ang hahanapin ko, lalong di na ako umaalis ng bahay," ani Cristine.

Sa ngayon ay bahagi si Cristine ng talent show na "I Can Do That."