Ria Atayde itutuloy ang pagbabawas ng timbang

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2017 03:05 PM

 

A post shared by Ria Atayde (@riaatayde) on

MANILA -- Sa kabila ng ngayo'y magandang pangangatawan, inamin ng aktres na si Ria Atayde na kailangan pa niyang magbawas ng 15 hanggang 20 lbs. sa kanyang timbang. 

Sa panayam nito sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, inamin ni Ria na ang pagtitiyaga niyang pumayat ay hindi lamang para sa kanyang trabaho kung hindi para na rin sa kanyang kalusugan.

"I did it kasi sa stomach palaging may sakit, as in naging masasakitin ako," ani Ria na anak ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez.

Mula sa dating bigat na 189 lbs. ay nakapagbawas na ng 42 lbs. ang aktres sa loob ng apat na buwan sa tulong ng ehersisyo at pagdi-diyeta. 

"Sabi nila ay 15 lbs. pa (dapat mabawas) pero ako (gusto) ko mga 20 lbs., 30 lbs.," ani Ria.

Sa panayam sa "TV Patrol," sinabi ni Ria na nais niyang bumaba sa timbang na 118 lbs. bago mag -Setyembre para subukang makasali sa Miss World Philippines at maging beauty queen. 

Sa ngayon ay gumaganap bilang isang doktor si Ria sa seryeng "My Dear Heart" kasama sila Bela Padilla at Zanjoe Marudo.