RECIPE: Bulgarian rice with giniling

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 08:28 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kung sawa na sa paulit-ulit na adobo at sinigang, maaaring subukan ang kakaibang putaheng tinatawag na Bulgarian rice na hinaluan ng giniling.

Ibinahagi sa "Umagang Kay Ganda" ng Bulgarian chef at guest kusinerong si Plamen Yordanov kung papaano gawin ang naturang dish.

Kuwento ni Yordanov, ang malaking pagkakaiba ng putaheng Pinoy sa mga lutuing Bulgarian ay lahat aniya ng kanilang pagkain ay hinahaluan ng tinatawag na "savory" herb o malasang yerba.

Upang simulan ang paggawa sa Bulgarian rice with ground meat, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• 8-12 pirasong bell pepper
• 1/2 kilo ng giniling na baboy
• 1 tasang bigas
• 2 pirasong sibuyas
• 2 pirasong kamatis
• Asin
• Paminta
• Paprika
• Mantika

Mag-init ng mantika at sunod na igisa ang sibuyas at kamatis.

Ilagay ang giniling na baboy at timplahan ito ng paminta, asin, at paprika.

Hintaying maluto nang bahagya.

Ihalo rin ang bigas sa ginigisang sangkap. Halu-haluin ito upang hindi magdikit-dikit. 

Hiwain ang itaas na parte ng mga bell pepper. Sa butas ay ipaloob ang ginisang giniling na may bahagyang nalutong bigas.

Pakuluan ang bell pepper hanggang sa maging kanin ang bigas na inihalo sa giniling.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.