Muling binuksan na sunflower maze sa Pangasinan, dinarayo

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 09:27 PM

File Photo 

Dinarayo ng mga turista ang muling pagbubukas ng sunflower maze sa Tayug Ecopark sa Pangasinan.

Hindi mapigilang mag-selfie ng mga bumisita sa lugar kung saan aabot sa 4,000 iba't ibang uri ng sunflower ang nakatanim.

Para rin mas tumagal ang tourist attraction, dinisenyo ang maze para hindi sabay-sabay na mamukadkad ang mga bulaklak.

Noong nakaraang taon kasi, pansamantalang isinara ang sunflower maze dahil nalanta ang ilang bulaklak doon.

Bukas ang sunflower maze mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.

Mananatiling bukas naman ang atraksiyon hanggang Mayo 31.

Good news din dahil may 40 porsiyentong diskuwento ang entrance fee sa sunflower maze hanggang Marso 16. -- Ulat ni Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

Abangan ang kabuuang detalye nitong report mamaya sa Bandila sa Channel 2.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.