SILIPIN: 'Secret paradise' ng Batangas

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2018 11:07 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kung naghahanap ng pupuntahan ngayong summer, maaaring subukan ang 'secret paradise' ng Batangas, ang bayan ng Lobo.
    
Nasa dalawang oras na biyahe lang mula Maynila, mabibisita na ang nakabibighaning lugar. 
    
Pinuntahan ng Kapamilya host na si Gretchen Ho at BoybandPH ang Lobo para sa episode ng "G Diaries."

Isa sa mga atraksiyon dito ang higit 100 taon nang Malabrigo lighthouse.

Ginawang protected area ng Department of Environment and Natural Resources ang Lobo dahil bukod sa mayaman ito sa ginto, dito rin matatagpuan ang Verde Island Passage.

Tinagurian ang Verde Island Passage na 'center of the center of marine biodiversity' sa buong mundo. 

Nagkaisa ang mga residente para tutulan ang mining projects noon.
    
Idineklara namang agri-eco tourism site ng Department of Tourism ang Lobo, kaya hindi muna nakakapasok ang mining companies sa lugar.

Sa tulong ng Bantay Kalikasan ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, nagkaroon ng livelihood at waste management projects sa Lobo.

Isa ang mangrove forest sa Barangay Lagadlarin sa inayos at pinaganda para sa mga turista.

Mas makikilala pa ang Lobo, Batangas sa 'G-Diaries' ngayong Linggo, 10 a.m.
    
--Ulat ni Gretchen Ho, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.