TINGNAN: Sabang beach sa Ilocos Sur patok sa sunset watching

Denis Agcaoili, ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 01:23 PM | Updated as of Mar 07 2018 04:50 PM

Ang Sabang Beach sa Ilocos Sur ay swak na swak di lang para sa surfing kundi para din sa sunset watching. Denis Agcaoili, ABS-CBN News

Mula Vigan City, 40 minuto ang biyahe papuntang Cabugao, Ilocos Sur, ang pangalawang pinakadulong bayan ng probinsiya pahilaga. 

Sa loob naman ng 15 minuto, mararating na ang ipinagmamalaking pasyalan sa Barangay Sabang: ang Sabang Beach, na isang kilalang surfing site.

Bukod sa mga alon na bagay na bagay para sa surfing, picture perfect din ang view ng wooden boardwalk na may habang 300 metro. 

Swak din para sa mga magsing-irog ang romantic ambiance sa boardwalk.

Sa halagang P5 ay makakapasok na sa lugar, at may mga cottage din na puwedeng rentahan. Paalala naman ng mga residente ng barangay, huwag magkalat ng basura sa lugar.