RECIPE: Shrimp in salted egg

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 03:54 PM | Updated as of Feb 14 2018 04:49 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang kakaibang putahe na may pangunahing sangkap na hipon ang itinuro ng guest kusinero ng Umagang Kay Ganda kasabay ng pagdiriwang ng Valentine's day.

Ayon kay Chef Ian Ymata, patok ang putaheng shrimp in salted egg sa mga dinner date ng magkasintahan o mag-asawa.

Upang simulan ang paggawa sa shrimp in salted egg, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

•3 pirasong itlog na maalat
•700 grams ng hipon (banami o sugpo)
•2 pirasong sibuyas na hiniwa nang pino
•6 pirasong bawang na hiniwa nang pino
•600 ml fresh milk o all purpose cream
•Paminta
•Asin
•30 grams mantikilya

Linisin ang hipon at itabi. 

I-blender ang tatlong itlog na maalat. Kung walang blender ay durugin nang pino gamit ang tinidor. 

Magpainit ng butter at maggisa ng bawang at sibuyas.

Ihalo sa ginigisang sangkap ang pinong itlog na maalat at isunod ang fresh milk o all purpose cream.

Timplahan ng paminta at asin. Pagkaluto ay itabi muna ang sarsa.

Magtunaw muli ng mantikilya at ilagay ang tinadtad na bawang.

Ihalo ang sibuyas at maglagay ng asin at paminta habang ginigisa.

Ilagay ang nilinis na hipon. Ingatang huwag ma-overcook.

Paghaluin ang nalutong hipon at sarsa. 

Handa nang ihain ang putahe. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.