Patok na 'selfieccino,' likha ng Pinay na negosyante

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2018 01:10 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang Pinay ang nasa likod ng matagumpay na tea house sa London, United Kingdom (UK), kung saan maaaring iguhit ang mukha ng kostumer sa tasa ng kape.

"Because nowadays, 'di lang good food or good service, kailangan din maganda so they can take a picture and post on their social media," sabi ng Pinay na si Rowena Shouly, managing director ng The Tea Terrace.

Mabibili ang tinaguriang "selfieccino" sa The Tea Terrace sa House of Fraser, isang sikat na shopping mall sa London.

Itinayo ang restawran ni Rowena at ng kaniyang mister na si Ehab Shouly.

Bukod sa selfie o retrato ng sariling mukha, maaari ring ipaguhit sa kape ang mukha ng paboritong sikat na personalidad.

Dinadayo ang The Tea Terrace maging ng mga banyaga mula Latin Amerika hanggang Australia dahil sa pag-trend nito sa social media at pagkakatampok sa telebisyon.

Tanyag din ang restawran nina Rowena dahil sa mala-fairy-tale nitong tema.

"We started with the Cinderella carriages last year. People always walked into our tea room and the first thing they always said was Alice in Wonderland or a fairy tale," kuwento ni Rowena.

"We are always thinking how to make it better or different from the others," dagdag ng ginang.

-- Ulat ni Rose Elcarinal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.