'I did everything right': Katarina Rodriguez, ipinagtataka ang runner-up finish

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2018 11:25 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inamin ni Katarina Rodriguez, ang pambato ng Pilipinas sa Miss Intercontinental 2017, na ipinagtataka niya kung bakit hindi ibinigay sa kaniya ang korona.

"I did everything right, I was always dressed appropriately... I practiced ... 'Yong Q&A (question and answer) ko, that's my forte so I did expect [to win], yes," sabi ni Rodriguez, na hinirang na first runner-up sa coronation night ng pageant noong Enero 24.

"Nothing at all I could have done differently. It's just, that's the way it is," ani Rodriguez.

Nakauwi sa Pilipinas nitong Martes si Rodriguez mula Egypt, kung saan idinaos ang coronation night.

Nilinaw naman ni Rodriguez na maayos naman ang ugnayan nila ng nanalong si Veronica Salas Vallejo ng Mexico.

"She's a very, very, very lovely person," ani Rodriguez.

Ipinahayag din ni Rodriguez ang kaniyang utang na loob sa mga sumuporta sa kaniya sa Egypt at Dubai.

Dagdag ni Rodriguez, gusto niya muling sumabak sa Binibining Pilipinas.

"Sana I could join Binibini again for a different crown," aniya.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.