TINGNAN: Pinakamahabang zipline sa buong mundo

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2018 05:40 PM

Kinilala bilang pinakamahabang zipline sa buong mundo ang atraksiyon sa Ras al-Khaimah, United Arab Emirates.

Ayon sa Guinness World Records, natatangi ang Jebel Jais Flight zipline dahil sa haba nitong halos tatlong kilometro.

Ito rin ay nakalulula dahil tinatayang may taas na 1,680 meters above sea level ang zipline.

Sa mga malalakas ang loob na susubok, asahan na ang bilis na 120-150 kilometers per hour kapag nag-zipline doon.

Inaasahang 100,000 rider ang kaya nitong isakay kada taon.

Nais ng Ras al-Khaimah na makaakit ng mas marami pang turista sa pamamagitan ng zipline na ito.

-- Isinalin mula sa mga ulat ng Reuters at Agence France-Presse

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.