RECIPE: Creamy tomato seafood pasta

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2018 06:35 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa pagpasok ng buwan ng pag-ibig, itinuro ng guest kusinero ng "Umagang Kay Ganda" na si Chef Gregorio Angelo De Guzman kung paano magluto ng Creamy Tomato Seafood Pasta, isang putaheng maaaring ihanda sa mga Valentine's date.

Upang simulan ang paggawa rito, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• Spaghetti noodles
• All-purpose cream
• Crushed tomatoes o tomato sauce
• Hipon
• Mantikilya o butter
• Puting sibuyas
• Parmesan cheese
• Asin
• Asukal na pula
• Paminta 
• Fresh white bottom mushroom o canned mushrooms
• Basil leaves

Pakuluan ang pasta hanggang sa lumambot.

Lutuin naman ang hipon ngunit ingatan na hindi ito ma-overcook. Itabi at itira ang mantikang pinaggisahan.

Sa nasabing mainit na kawali, maglagay ng mantikilya o butter at igisa ang bawang at puting sibuyas.

Ihalo ang crushed tomatoes. Dahil maasim umano ang karaniwang kamatis sa Pilipinas, dagdagan ng kaunting asukal.

Idagdag ang mushrooms at lagyan ng cream dependa sa nais na timpla. 

Lagyan ng kaunting asin at paminta.

Matapos ang 2 minuto, ihalo na muli ang pasta at hipon.

Patayin ang apoy at maglagay ng fresh basil leaves.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.