TINGNAN: Iba't ibang bihis ng lechon sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2018 05:11 PM | Updated as of Jan 14 2018 07:30 PM

ABS-CBN News

Dinamitan ng makukulay na kasuotan ang 23 lechong ipinarada nitong Linggo ng umaga sa Barangay Cabug, Bacolod City bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-12 Lechon Festival sa lungsod.

ABS-CBN News

Bukod sa matitingkad na kulay at bulaklaking disenyo, may ilang lechon ang binihisan ng costume ng mga tanyag na superhero tulad nina Iron Man at Wonder Woman.

May lechon ding tinakpan ng itim na belo ang mukha, hango sa itim na wedding gown ng karakter ni Maja Salvador sa teleseryeng "Wildflower."

ABS-CBN News

Ayon sa punong barangay na si Jojo Malayang, naging paborito na ring dayuhin ng mga turista ang taunang pagdiriwang idinaraos sa kanilang lugar.

ABS-CBN News

Matapos ang parada'y nagkaroon ng boodle fight at mural painting contest. -- Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.