ALAMIN: Paano maiiwasan ang kidney stones

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2017 01:38 AM

MANILA — Bagama't isa ang kidney stones sa pangkaraniwang sakit na nararanasan ng mga Pilipino, madali lamang maiwasan ang pagkakaroon nito.

Ayon kay Dr. Nonoy Panganiban, isang urologist, kinakailangang uminom ng maraming tubig para maiwasan ang pagkakaroon ng kidney stones.

"You should be well hydrated not to produce stones," aniya.

Dagdag pa ni Panganiban, humahalo ang calcium sa mga oxalates na natatagpuan sa iba't-ibang pagkain tulad ng mabeberdeng gulay at tsokolate.

"Calcium will combine with oxalates like green leafy vegetables, chocolates," aniya.

"Healthy 'yan but they have oxalates that can combine with calcium to form kidney stones," dagdag ni Panganiban.

Kapag napabayaan, maaring magdulot ng sakit ang kidney stones.

"'Yun ang pinakadelikado kasi No.1 , prone ka sa infection. No.2, nasisira ang kidney unti-unti. No.3, pwedeng 'yung infection, kumalat, at napakasakit talaga," ani Panganiban.

Maaring kumonsulta sa doktor at sumailalim sa isang urinalysis para malaman kung mayroong kidney stones ang isang tao.