ALAMIN: Patok na fashion trends ngayong 2018

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2018 10:22 PM | Updated as of Jan 09 2018 10:28 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

White sneakers, ripped jeans, at crop tops.

Ilan lang 'yan sa mga naging trending sa fashion ng taong 2017. 

Ngayong 2018, pinag-uusapan na kung ano ang susunod na fashion trends.

Para sa young designer na si Michael Leyva, magiging hot pa rin ang pastel colors. 

“The colors that would complement every skin color would be I think 'yung mga pastels pa rin, 'yung mga nudes, blush, old rose, pastel pinks and then mga violet, ganu'n,” ani Leyva. 

Dagdag pa niya, “jeans will never go out of style." 

“If it's ordinary days lang I go for, like, plain shirt and a jeans lang then if for a meeting like special event I go for suit and a pair of jeans also. Kasi with jeans you could never go wrong,” sinabi ni Leyva.

Para naman sa veteran fashion designer na si Rene Salud, sporty chic ang in ngayong 2018.

"Medyo ang mga blouses ngayon mahahaba, medyo loose, tamang tama pang tago ng tiyan. Ngayon may tinatawag silang sporty chic, yung mga pang jogging outfit, mga pang baseball outfit ginagawa na nilang outfit and it becomes very chic,” ani Salud.

Aniya, white and black pa rin ang magiging go-to colors. 

Pero dahil ultra violet ang color of the year, pasok din ang iba’t ibang tone ng violet.

“Pantone is the one suggesting the color that would be in for the year it will be shades of violet, mga deep violet,” sinabi ni Salud.

“Pero siyempre when you say colors it depends pa rin sa skin mo saka sa iyong taste pa rin. And then of course white would be in forever. The pure white,” dagdag pa niya.

Ayon naman sa hair and make-up expert na si Jim Ryan Ros, short hair o bob cut pa rin daw ang uso sa mga babae.

Pero sa lalaki, classic clean cut look pa rin for 2018.

“For 2018 tutuloy pa rin 'yung classic bob, bob hindi talaga siya mawawala sa uso. You can use a product and style it messy than usual. So you can see the cut naka-layer siya na cut,” ani Ros

Trending din ang Korean style make-up, gaya ng soft tones at light colors para sa mas young chic vibe.

“For 2018 it'll be more on the skin. So kailangan 'yung finish ng foundation mo kailangan balat talaga,” sinabi ni Ros.

--Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.