Political killing fields: Kahirapan at karahasan sa Masbate

ABS-CBN News

Sa kabila ng mayamang karagatan ng Masbate, kabilang ito sa pinakamahihirap na lalawigan ng bansa. Kahirapan, kawalan ng malinis na tubig, maayos na kalsada, at sariling bahay at lupa ang ilan sa mga pangunahing problema ng mamamayan. Kakabit nito ang madugong kasaysayan ng Masbate tuwing halalan.