Abra: Babae vs babae, mag-ama vs mag-asawa

ABS-CBN News

Isa sa tatlong lugar na notoryus sa mga karahasang nagaganap tuwing may halalan ay ang lalawigan ng Abra sa norte kung saan babae sa babae ang banggaan para sa pinakamataas na posisyon sa lalawigan. Tambalang mag-ama naman laban sa tambalang mag-asawa ang dating magkaalyado ang magkaribal ngayon, pero tumatakbo sa ilalim ng isang partido.