Fast talk: Mar Roxas on Bongbong, 'tanim-bala', coal plants

ABS-CBN News

Administration presidential candidate Manuel "Mar" Roxas II gave his opinion on a possible Marcos vice-presidency, the "tanim-bala" extortion racket in Manila's airports, and whether or not more coal plants should be built, in the "Fast Talk" segment of Sunday's PiliPinas Debate.

Q: Kung sakaling maging bise-presidente mo si Bongbong Marcos, bibigyan mo ba ng cabinet position?
A: Oo naman, kung sya nga ang nanalo. Pero naniniwala akong mananalo si Leni Robredo

Q: Palpak ba ang administrasyong Aquino sa pagresolba ng "tanim-bala"?
A: No, iniimbistegahan nila at papanagutin nila kung sinong dapat managot.

Q:Kaya mo bang solusyonan ang "tanim-bala" scam, sir?
A: Oo, simpleng-simple. Tatanggalin ko yung mga scanner dun sa harapan ng airport dahil may scanner na doon sa baba. Walang pangangailangan na i-scan --walang airport sa buong mundo na nag-sscan bago ka pumasok sa airport. Lahat ng mga scanner, ay nandoon sa baba. Kaya doon na lang dapat na ma-scan, na walang human intervention.

Q: Sapat po ba ang nagawa ninyo nang tumama yung Yolanda?
A: Yes, ginawa ko ang lahat, tinaya ko ang aking buhay.

Q: Papayag po ba kayo sa pagpasok ng mga bagong minahan sa Pilipinas?
A: May batas e. We are all aspiring to become president of the Philippines. Number one is to execute the laws of the land. Pero itong mga batas na ito, dapat tumalima sa ating mga patakaran--which is local acceptance at environmental compliance.

Q: Masama po ba sa kalikasan ang coal o carbon?
A: Yung maduming coal at yung maduming carbon, masama. Pero may mga coal plants sa Finland, sa Germany, sa Sweden, sa gitna ng lungsod, na pinapaandar dahil ito ay tinatawag na clean coal.

Q: Nangangahulugan bang itutuloy nyo po ang pagpapatayo ng dalawampu't tatlong (23) nakabinbin na coal plants sa administrasyong Aquino?
A: Kasabay nun ay isusulong natin yung natural gas para manatiling 50-50 yung ating energy balance between clean--which is coal and oil--atsaka sa natural gas, sa renewable, atsaka sa geothermal.

KNOW THE WHOLE STORY