Anak ni Napoles, muntik nang maging kongresista

ABS-CBN News

Kasama sa sumabak sa simula ng campaign period ang mga party-list groups. At tulad ng lahat sa pulitika, hindi sila ligtas sa kontrobersya. Bago pumanaw si Congressman Roy Señeres, ibinunyag niya ang tunay na kwento sa tangkang pagpasok sa kongreso ni Jo Christine Napoles, anak ng tinaguriang Pork Barrel Queen na si Janet Napoles, sa pamamagitan ng partylist system.