Ipanalo ang Pamilyang Pilipino: Sweldo ng mga guro

ABS-CBN News

Di tulad ng ibang propesyon, walang pinipiling oras o lokasyon ang pagiging guro. Kahit tapos na kasi ang klase, tuloy pa rin ang kanilang trabaho, minsan naghahanda sa leksyon, minsan, nangangaral sa estudyante. Pero sa kabila ng pagiging laging on-call bilang teacher, tila hindi naman natutumbasan ito ng natatanggap nilang sahod.