Ipanalo ang Pamilyang Pilipino: Kakarampot na pensyon

ABS-CBN News

Maraming mga Pilipino ang umaasang makaranas ng hayahay na buhay sa kanilang pagreretiro. Pero para sa ilang retirado, tuloy pa rin ang kayod. Kulang kasi ang kakarampot nilang pensyon para sa mga gastusin sa kanilang pagtanda. Hindi rin inaprubahan ng Pangulo ang panukalang P 2,000 umento sa pensyon. Tunghayan ang kwento ni Pedro Perez, pensyonado ng SSS, at ng kanyang pamilya sa seryeng "Ipanalo ang Pamilyang Pilipino."