VCM sa isang precinct di gumana; mga balota inilagay sa kahon

Dennis Agcaoili, ABS-CBN News

PAGUDPUD, Ilocos Norte - Malapit ng matapos ang voting hours pero hindi pa din naayos ang nagkaproblemang vote counting machine sa Pagudpud South Central Elementary School sa Ilocos Norte.

Sa isang box pa din nila iniipon ang mga balota at saka na lang ipapasok pag naayos na ang VCM o pag may dumating na replacement.

Pakiusap ng mga botante, sana'y ma-extend ang voting hours dahil tatlong oras na naantala ang pag-umpisa ng botohan.