Lalaki, tinamaan ng ligaw na bala sa Masbate

Jose Carretero, ABS-CBN News Bicol

MASBATE - Naka-confine ngayon sa Masbate provincial hospital ang 69-taong-gulang na si Pedro De los Reyes matapos tamaan ng ligaw na bala alas-sais ng umaga Lunes, araw ng eleksyon, sa Purok Dorongon, Barangay Bara Milagros, Masbate.

Mga naka-bonnet na suspek ang may kagagawan ng krimen kung saan nadamay pa ang isang taong gulang na bata pero nakalabas na sa ospital.

Nagpapagaling din matapos operahan ang 52-anyos na si Wenifredo Apalla na pinagbabaril kahapon sa Barangay Balocawe, 

Dimasalang.

Nakataas ngayon ang code white alert sa Masbate provincial hospital dahil sa mga posibleng dadalhing biktima ng pamamaril hanggang bukas. 

May binuo na rin silang health and emergency team na magbabantay magdamag.

KNOW THE WHOLE STORY