#KwentuhangHalalan: Ang mga pagbabagong gusto kong makita

Bayan Mo iPatrol Mo

Sa loob ng ilang araw ay magpapasya na ang sambayanan kung sino ang nararapat na mamumuno sa bansa sa susunod na anim na taon.

Anu-ano nga ba ang mga pagbabagong gusto n’yong makita sa Pilipinas sa kanyang magiging termino?

Maaaring ito ay sa larangan ng edukasyon, imprastraktura, kalusugan, pamamahala, transportasyon at iba pang bagay na itinuturing n’yong mahalaga sa inyo.

Iyan ang pag-uusapan natin sa ikalawang Twitter takeover ni celebrity Bayan Patroller Gretchen Ho na makikiisa sa talakayan gamit ang Bayan Mo Ipatrol mo Twitter account na @bayanmo.

Ibahagi ang inyong mga ideya at saloobin gamit ang hashtag na #KwentuhangHalalan sa Abril 20, 2016 (Miyerkules) 7:30 PM hanggang 8:30 PM.