Survey hindi humuhulma ng resulta ng halalan: UP prof

DJ Arcon

Nagpahayag ng saloobin si Dr. Aries Arugay ng Department of Political Science ng Unibersidad ng Pilipinas patungkol sa mga lumalabas na resulta ng survey habang unti-unting lumalapit ang halalan sa Mayo 9.

Ayon kay Dr. Arugay, maaaring mabago ang resulta ng halalan sa mga survey na lumalabas.

"Sa lahat ng survey, ang tinatanong ay kung ang eleksyon ay ngayon. At dahil ganun 'yung tanong, 'yung sagot nila dun ay hindi rin maaaring maging kanilang iboto," pahayag ni Dr. Arugay.

Dagdag din niya na maging ang mga survey firms ay nagsasabi na ang mga ito ay maaaring maging batayan.

"Kahit 'yung mga survey firms, sinasabi nila na hindi ito batayan at hindi ito 100% na dapat paniwalaan. Ito lamang sana ay maging gabay para sa mga botante natin para tignan kung ano 'yung nasa isip o ano 'yung pinapaniwalaan ng mga Pilipino at present," ani Dr. Arugay.

Kinukuha ang pulso ng mga botante sa pamamagitan ng random sampling na kung saan ay may pantay na pagkakataon na matanong ang lahat ng Pilipino.

Ngunit para kay Dr. Arugay, napakaliit lang ng bilang ng tao ang tinatanong sa ganitong pamamaraan.

"Hindi naman kailangan na matanong lahat ng Pilipino. Ang kailangan lang po, 'yung natanong ay representante ng lahat ng botante ng isang bansa," ani Arugay.

KNOW THE WHOLE STORY