MULTIMEDIA

Ano'ng meron sa EDSA?

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2016 05:33 PM

Ano nga ba ang EDSA sa buhay mo?

Ang EDSA ang humubog sa isang bahagi ng ating kasaysayan, nagtanggal at naglagay ng ilang pangulo, at patuloy na nagiging bahagi ng pagpili ng susunod pang liderato.

Ang EDSA ay bahagi rin ng buhay ng ilang milyon na dumadaan dito araw-araw, at naglunsad ng ilang libong suliranin kung paano ito maisasaayos.

Pero katulad ng karami-raming establisyamento, tao, at sasakyan na gumagamit ng daang ito, ang EDSA ay naging daan din sa pagpukaw ng mga pananaw kung ano na nga ba ang Pilipino.

Ikaw, ano ang EDSA sa iyo?