MULTIMEDIA

Magkano na ngayon ang suweldo ng mga pulis?

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2018 05:57 PM | Updated as of Jan 15 2018 01:17 PM

Matutupad na ngayong buwan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang suweldo ng mga pulis, sundalo at iba pang unipormadong tauhan ng gobyerno.

Sa Philippine National Police (PNP), hindi man 100 porsiyento ang pagtaas ng suweldo sa lahat ng ranggo, nasa 58.7 percent naman ang average na pagtaas ng buwanang sahod ng mga kapulisan sa lahat ng lebel.

Kaakibat ng pagtaas ng sahod ang pagbaba ng buwis sa ilalim ng bagong batas na nagtatakda ng bagong tax rates.

Umaasa ang PNP na sa pagtaas ng suweldo ng pulisya, maiiwasan na ang pagkakasangkot ng mga ito sa mga ilegal na gawain.

Makikita sa chart na ito ang bagong suweldo ng kapulisan at ang nakatakdang pagbaba ng buwis.