Anak ni DOT chief Puyat, nagtapos na may pinakamataas na parangal sa UK university

Rose Eclarinal, ABS-CBN Europe News Bureau

Posted at Jul 12 2018 07:08 PM

LONDON - Nasungkit ni Vito Puyat, anak ni Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat, ang First Class Honors sa Newcastle University, United Kingdom. 

Ito ang pinakamataas na grade classification sa UK universities. Kaya naman si Puyat ang napiling mag-deliver ng graduation speech sa graduation day, ilang araw pa lang ang nakakalipas. 

Sa kaniyang talumpati, binalikan ni Puyat ang mga hamon na pinagdaanan niya at mga kaklase habang nag-aaral sa Newcastle. 

“It’s definitely a big honor but I’m humbled to have been chosen to make that speech because it was a huge opportunity. This university gave me a lot and I thought I gave the most back as well,” ani Puyat. 

Proud din siya bilang Pinoy. 

“Being a Filipino, it just goes to show that anyone from the world can go to the biggest universities and make an impact, regardless,” sabi ni Puyat. 

Dagdag pa niya: “Filipinos are capable of great things in itself. It’s just about that time for them to expand their horizons in this case, and look to where they can achieve in a worldwide scale.” 

Nagtapos ang 21-taong gulang na si Puyat ng Bachelor of Science degree, with focus on psychology. Hindi inaasahan ni Puyat ang academic achievement pero aminadong pinagbuti niya ang pag-aaral. 

“You always, of course, just have to put in the work, put in a good work ethic in itself, be diligent and have the right attitude towards things,” sabi ni Puyat. 

Dapat din daw may "right attitude and motivation," at alamin daw kung ano ang passion, saka tumutok dito. 

Plano ni Puyat na kumuha ng post-graduate studies in neuroscience. Pero bago ito, gusto muna niyang makasama ang pamilya at mga kaibigan. 

“I just want to take some time off, spend it with family and friends who I haven’t seen in what seems like forever,” sabi ni Puyat. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.