ABS-CBN News

RE: Gapan elections 2010

Posted at | Updated as of 12/11/09 1:53 AM

Ako po ay nababahala sa magaganap na botohan dito sa aming bayan sa Gapan City Nueva Ecija especially sa eleksyon para sa "MAYOR" sa darating na 2010 election sapagkat sa malamang ay magkaroon ng mainit at madugong labanan sa pagitan ni VICE MAYOR. CHRISTIAN"ALPHA" TINIO (current vice mayor of Gapan city) at MAYOR. ERNESTO NATIVIDAD (mayor sa kasalukuyan).
 
Ako po ay nabahala dahil sa nalaman kong nawala ang mahigit kumulang 160 katao na mamamayan ng San Nicolas, Gapan City, Nueva Ecija sa master's list ng mga nakarehistrong botante at ako po ay kasama sa naturang nawawalang pangalan.
 
Ako po ay nakapagparehistro pa noong Hunyo sa taong kasalukuyan. Sa pagkakaalam ko po'y nagkaroon ng gulo o aberya sa loob ng Comelec Gapan city noong mga nakakaraang buwan. At sa palagay ko po ay ito ang naging dahilan ng pagkakawala sa listahan ng mga pangalan ng humigit kumulang 160 katao.
 
Kabilang po ako sa master's list ng botante ng Gapan City, Nueva Ecja na nawawala ang pangalan. Naipagbigay alam naman po sa akin ng aking mga magulang na kinabukasan daw po ay tutungo kami sa Gapan City Municipal Hall upang ayusin ang nasabing problema..ako po ay hindi nagpupumiglas sa pangyayaring ito datapwat ako po ay nanghihinayang sa magagawa ng isa kong boto para sa kinabukasan ng aking/ating bayan.
 
Ako po ay humihiling sa inyo ng karampatang seguridad na hindi ipaalam ang pangalan ko o anumang informasyon tungkol sa akin..maraming salamat po.
 
Aldrin Francisco 
franciscoaldrin_29[at]yahoo.com