RE: Political banners naglipana


By Multiply user Gerardo | 11/13/2009 5:29 PM

Mas dapat dagdagan pa ang reporting magkaroon ng part 2, sapagkat sa darating na election ang mga lansangan ay magiging anino na naman ng kababuyan sa mga iba't ibang poster ng mga politiko.
 
May mga poster na hangang ngayon ay nakakabit pa buhat pa sa nakaraang 04'election at ang magiging gastos sa paglinis at pagpipintura ng mga nadumihang pader ng mga poster ay manggagaling na naman sa pondo ng munisipyo.
 
Maaring maging sagot ay hindi nila control ang pagkabit ng mga tauhan o supporters nila o sinasabutahe sila ng kalabang partido para madis qualify sa election.
 
Naku naman taong bayan na naman ang gagawing tanga sa darating na eleksyon, harapang pagbaboy sa hindi pag sunod ng batas, kung ang mga suporter ay hindi nila kayang madisiplina anong huwarang kaugalian ang maasahan natin sa baluktot na paglaro sa ating katinuan at batas.
 
Masasabi ang mga nagbandolismo ang magdiriwang sa panahon ng eleksyon sila ang mga umiidolo sa kabastusan ng mga politiko.
 
Siguro kailangan natin mag people power na huwag payagan madumihan ang ating kapaligiran ng mga politikio sa darating na 10'election...
 
Kung nais natin ng isang "clean and honest election" dapat gumising na tayo dito palang sa baluktot na sistema ng mga poster ay mag-uumpisa na ayusin, magpapaloko pa ba tayo ulit.
 
Isang pangarap lang, libre naman mangarap... hwag lang naninira o yurakan ang karatan natin ng isang malinis na kapaligiran. Dapat may damdamin na sila sa nakaraan bagyong ondoy na basura ay isang dahilan ng pagbaha.
 
Sino iuupo natin sa gobyerno...
 
May damdamin ba ang politiko mo sa kaayusan ng bayan.
 
Multiply user Gerardo
Bayan Mo iPatrol Mo Multiply site
http://bayanmo.multiply.com/
as of 11/13/2009 5:29 PM



Video


More Videos


Storypage Ad zedo