RE: Pinoy Politics at its Best!
By Multiply user Pat Demaclid | 11/12/2009 5:41 PM
Printer-friendly version |
Send to friend |
Share your views
Blackmail... ito marahil ay ang pinakakumon sa ating mga politiko. Kadalasan, kung sila ay magkakuntsaba, sila ay nagtatakipan. Oras na sila ay nagkantihan, sila ay naglalabasan ng kanilang mga kabulastugan at nagtatakutan na kung sila ay labanan, marami pa silang ibubunyag sa kalaban.
Bakit ba ganito ang mga politiko natin? Ang aking kaalaman ay sila dapat ang nagbabantay sa bayan... sila dapat ang lumalaban para sa kapakanan ng taong bayan. Pero bakit tila sila ay may alam sa katiwalian, ngunit ginagamit lang ito na panakot sa kalaban?
Tingnan mo noon ang nangyari kina Erap at Ping, di nga bat sila ay nagpatutsadahan? Nagtakutan na kung hindi titigil ang bawat isa, sila ay maraming pang ibubulgar sa bayan. Saan ngayon ang sinseridad ng isang public servant? Sila pala ay may alam, ngunit ito'y pinagkakait sa bayan? nasaan ang katarungan?
Ngayon, ito namang si Lola Merriam, nagtatalak sa senado laban sa magkapatid na Puno na puro mga tagasilbi ni Madame Gloria. Siya (Merriam), daw ay may alam. At ibubulgar daw niya ito kung siya ay kakantihin lamang... Hay naku, ito bang mga taga silbi ng bayan ay para sa katutuhanan at katarungan?
Bakit nga ba ganito ang ating lipunan? Para bang "pagbigyan mo ako, at di kita pakikialaman" ang sistema nila...O di kaya, "MAGKANO AKO RIYAN?".... Ito ba ang ating mga hinalal at pinagkatiwalaan?
Sila ba ay dapat nating hangaan at pasalamatan? Sila ba ay magandang ihemplo sa ating mga kabataan? Ginagamit nila ang pwesto nila para magkamal ng kayamanan, paglaruan ang taong bayan, ngunit ligtas sa pananagutan.... Di nga ba at ang mga EXPOSE na yan ay ginagawa nila sa loob ng senado para walang silang pananagutan?
Kung talagang sinsero sila sa pagmamahal sa bayan, (ANG SABI PA NGA NI LOLA MERRIAM, "MY TRAGIC COUNTRY"), bakit di sila magsalita ng lahat ng kanilang nalalaman at kasuhan ang nagmamalabis sa bayan! Tapusin ang laban, hindi yung hangang umpisa lang! At pagnakatanggap na suhol, sila ay mananahimik na lamang....
Kailan kaya tayo makakita ng isang public servant na totoo sa kanilang sinumpaan sa bayan at Diyos?... Ito ba'y hudyat ng pagmamayani ng kasamaan sa lipunan tulad ng nasaad sa Bibliya tungkol sa mga huling araw ng sangkatauhan?....
Siguro nga mas mabuti kung ganun, nag itong mga nagmamalabis, magnanakaw, gahaman, at sinungaling ay malipun na at magbayad sa kanilang mga kasalanan sa bayan...
TINGNAN KO LANG SILA BA AY MAILIGTAS NG KANILANG NINAKAW NA KAYAMANAN!....
MGA TITO AT TITA KO SA GOBYERNO, MAGSIHANDA NA KAYO SA PAGSALUBONG NI TANING SA INYO SA IMPYERNO NA DAPAT NIYONG KALAGYAN!
Multiply user Pat Demaclid
Boto Mo, iPatrol Mo Multiply page










Comments